Martes, Nobyembre 3, 2015

Wala nang tatanda pa kay Apong Genesis sa Bagani Ubbog.Kaya ganoon na lamang siya tinitingalaan ng aming mga kabaryo,kanyang mga anak,at lalo na ako.Ako ang kanyang kasamang nakatira sa kanyang malaking dampa sa ibabaw ng burol at ako na rin ang nagsisilbing tagapangalaga niya.At sa habang panahon na kami ay magkasama,ni minsa’y hindi siya naubusan ng mga katangi-tanging mga katangian kaya lalo ko siyang hinahangaan.
Pandak siya at puti na ang lahat ng kanyang mga buhok,kilay at balbas ngunit kamanghang-mangha parin ang kanyang malakas na pangangatawan.Wala siyang pinag-aralan ngunit ang kanyang boses ay nagsisilbing batas sa aming baryo.Matagal nang yumao ang kaniyang asawa na si Apong Ibang,ngunit hindi ito naging hadlang upang mapagtapos niya ang kaniyang mga anak na sina Apong Emmanuel,Apong Abraham at Apong Israel bilang isang doctor,enhinyero at pulis.Isa rin siyang relihiyosong tao,sa lahat ng kanyang mga ginagawa,lagi niya itong sinasamahan ng dalangin.Ngunit wala siyang pinaniniwalaang relihiyon na taliwas sa iba’t-ibang  sector ng relihiyon na kinabibilangan ng kanyang mga anak.
At sa kabila ng kanyang pagiging matalino,nakakatuwa rin na isa siyang buhay na alamat.Marami pa rin siyang mga paniniwala at kaugalian na katulad na ng sa mga katutubong Pilipino.Sa katunayan,pagkatapos na pagkatapos niyang magdasal pagkagising,ay papanhik na siya dala ang hinanda kong umagahan patungo sa Bundok Gidday.At ni minsa’y hindi niya ako niyayang sumama kaya minsan nahihiwagaan narin ako patungkol dito.Minsan ko na siyang inusisa tungkol dito at ang binanggit niya lamang ay pumupunta daw siya doon upang bisitahin ang kanyang kaibigan na nagbabantay sa kanyang mga kayamanan.Lubos akong naintriga sa tinuran niya,ngunit kinimkim ko nalang sa aking sarili ang aking mga katanungan.Nanatiling mapayapa at tahimik ang buhay ni Apong Genesis.
Hanggang isang araw,nagkasakit ng malubhang karamdaman si Apong Genesis at ayon pa sa kanyang anak na doctor,maaring hindi na tatagal ang kanyang buhay.Agad na nagsiuwian ang kaniyang iba pang mga anak dahil sa pag-aalala sa kaniya at maging tungkol sa kanyang pamana.Nag-antay sila na banggitin ito ni Apong Genesis ngunit hindi niya ito ginawa.Minsan nga,nagpaparinig na sila dito ngunit nagpapatay-malisya lamang ito.Lumala at lumala na ang kaniyang karamdaman na lalong kinabahala ng magkakapatid.Minsan nga nila akong inusisa kung mayroon ba akong ideya tungkol dito,ngunit ang tangi ko lang alam ay yung minsang binanggit ni Apong Genesis.Mabuti na lamang pagkatapos nun,katakang-takang humupa na ang kanilang pangungusisa kay Apong Genesis at maging sa akin.
Ngunit isang araw,ginising ako ni Apong Genesis at kami raw ay aakyat sa Bundok Gidday.Wala akong kaideya-ideya sa kung ano ang gagawin namin doon pero isang bagay ang nasisiguro ko,nagmamadali talaga si Apong Genesis sa puntong hindi ko na siya maabutan.Hinihingal na ako ngunit hindi parin siya natitinag na hindi mo aakalahing may sakit na siya sa kalagayang yan.Iilang mga ilog ang aming tinawid hanggang sa tuluyan na naming narating ang tuktok ng Bundok Gidday.Nagulat ako sa aking nadatnan,kasi ni minsa’y hindi nabanggit ni Apong na mayroon palang kweba sa tuktok ng bundok na ito.At di kagaya ng tahimik na atmospera sa mga kweba,dinig na dinig namin ang mga umpukan ng mga bato at metal pati narin ang sigawan ng mga pamilyar na boses.
Agad kaming pumasok  at natunghayan namin ang isang grupo ng mga lalake na abalang naghuhukay na parang may hinahanap.”Kunyo!Anak-ti-sal-it!”Parang kulog ang boses ni Apong Genesis.Natigilan ang lahat na parang sila ay nakakita ng isang multo.”Emmanuel,Abraham,Israel anong ibig sabihin nito?”Nagsitinginan ang magkakapatid.Walang gustong sumagot.”Ano kayo mga pipi?Sagot!”Galit na tanong ni Apong.At ayun nga,ipinagtapat nila na kanilang hinahalughog ang kweba nagbabasakaling dito nakatago ang kayamanan ni Apong Genesis.”At saan naman nanggaling ang ideyang iyan?”mahinahong tanong ni Apong.Agad silang nagtinginan sa akin.Bigla akong pinawisan ng malamig ng nabaling sa akin ang atensyon ni Apong na waring nag-aantay ng sagot.Kaya inamin ko na ang katotohan.
Ngunit hindi pa ako natatapos,noong biglang humagalpak ng tawa si Apong na lubos naming ikinagulat.At pagkatapos niyang tumawa,unti-unti niyang nilinaw ang lahat.Isa na dun ang tungkol sa kaibigan niyang araw-araw niyang dinadalaw na di umano’y nagbabantay sa kanyang mga kayamanan.Hindi ito isang engkantada,espiritu o maging isang nuno sa punso,ito ay ang kanyang namayapang asawa na doon nakahimlay ang kanyang mga labi.At ang kanyang binabantayang kayamanan ay hindi pilak o ginto ngunit ang kanilang pamilya na alam niyang ginagabayan at binabantayan ng kanyang yumaong asawa.

Noong una,hindi makapaniwala ang magkakapatid dahil kung nagkatao’y hindi ginto ang kanilang mahuhukay kundi mga buto ng kanilang sariling ina.Ngunit maya’t-maya’y nagsitawanan na lamang ang lahat at umuwi na baon ang kwento sa likod ng yungib sa Bundok Gidday.Pagkatapos ng iilang mga buwan,tuluyang namayapa na si Apong at ang kanyang mga labi ay inilibing sa tabi ng kanyang asawa sa loob ng yungib.At dumaan man ang marami pang mga taon,nasisiguro kong mananatiling buhay si Apong sa mga puso ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

4 (na) komento:

  1. may alam po ba kayong sites or liblary na pwede kong mabasa ang buong kwento nito? kaiangan po kasi salamat

    TumugonBurahin
  2. Paano nauugnay ang Gidday kina Apong Isis, Apong ibang at Apocalipsis?

    TumugonBurahin
  3. The Star Gold Coast Launches its $200m Gambling Hub
    The Star 출장안마 Gold 충주 출장마사지 Coast today launched 경상북도 출장안마 a new 강원도 출장안마 $200m 강원도 출장샵 Gambling Hub for locals, offering players the chance to play and win for free

    TumugonBurahin